Kilala mo ba sila?
Alam mo ba kung ano ang kanilang ginagawa?
Subukan Natin!
Panuto. Ayusin ang mga salita ayon sa tamang pagkakabuo nito.
LPFIOTP
POKSNE OWRD OPERYT
ALGATNASB
GAPTALU
Panitikan: Tula
Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga pagtalakay sa kahulugan, anyo, bahagi, elemento, at uri ng tula. Nagsisilbi ang blogsite na ito na gabay sa mga mag-aaral tungo sa malalim na pag-unawa ukol sa pagkakabuo ng isang tula.
Lunes, Pebrero 6, 2017
Elemento ng Tula
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona
Sukat
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga Uri ng Sukat
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
Saknong
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.
Tugma
Mga Uri ng Tugma
1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Kariktan
Talinghaga
upang ilantad ang talinghaga sa tula
Anyo
Porma ng tula.
Tono/Indayog
Diwa ng tula.
Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona
Sukat
- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga Uri ng Sukat
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
Saknong
- Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.
Tugma
- Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Mga Uri ng Tugma
1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Kariktan
- Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinghaga
- Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
upang ilantad ang talinghaga sa tula
Anyo
Porma ng tula.
Tono/Indayog
Diwa ng tula.
Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan
Ang Tula
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tula ay isang kaisipan na naglalarawan ng kagandahan at kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatan na matawag na tula”.
Ayon naman kay Inigo Ed Regalado, “ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”
Para kay Alejandro G. Abadilla ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell, “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig (heightened consciousness).”
Ayon kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling maipaliwanag bunga ng kawalan ngkaalaman sa pagsulat at pagbasa at kailangan munang matutunan ng mga tao upang magingmalinaw at maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan. Ang mga akdang patula naman aymadaling maisaulo na maaring maipaulit sa iba hanggang sa mga susunod pang salinlahi.Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mgataludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang
panulaan ng Pilipinas aymasasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog
Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing
makaDiyos, tahanan, bukid,dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing
likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat
ngokasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga
salawikain atmaging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay
siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita
na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula.Ang
salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga
paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan.
Uri ng Tula
Mga Uri Ng Tula
Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)
Uri ng Tulang Liriko
Awit
Soneto
Oda
Elehiya
Dalit
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry)
Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko
b. Awit at kurido
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay
3. Tulang Patnigan (joustic poetry)
a. Balagtasan
b. Karagatan
c. Duplo
4. Tulang Pantanghalan o Padula
Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)
- Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
Uri ng Tulang Liriko
Awit
- Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.
Soneto
- Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda
- Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
Elehiya
- Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit
- Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry)
- Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko
- Isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.
b. Awit at kurido
- Isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay
- Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
3. Tulang Patnigan (joustic poetry)
- Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.
a. Balagtasan
- Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan
- Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo
- Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
4. Tulang Pantanghalan o Padula
- Karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
Bahagi ng Tula
MGA BAHAGI NG ISANG TULA
•Tema
•Pamagat
•Estilo
•Simula
•Simbolo
•Katawan
•Wakas
TEMA
- Kapag nakapili ka na ng tema, subukan mong tanungin ang sarilimo kung bakit ito anbg napili mo. Ano ang maibibigay nito sa iyo. At ano ang maibibigay nito sa makakabasa. May matutunan din kayasila? Dapat masagot lahat ang mga ito bago mo simulang magsulat. Huwag lalayo sa tema. Kailangang paninidigan ito.
PAMAGAT
- Bago mo simulan ang tula, isipin mo na ang pamagat. Kunglayuan mo, baka iba na ang ulo at katawan. Kung bulaklak ang pamagat, kailangang tungkol sa bulaklak o dalaga ang tula. Kadalasan, mahirap pumili ng pamagat. Pero kung alam mo naang tema, parang mas madali na. Pwede ring kukuha sa unang linyang tula o kukuha na lang sa stanza ang ipapamagat. Pwede ring tapusin muna ang tula bago lagyan ng angkop na pamagat.
- Uri o anyo ito ng tula, kung paano ba ito naisulat. Kung ilanglinya ba ang isang stanza, kung ilan ang salita ng isang linya. Isa pang istilo ang paggamit ng maliliit na letra sa umpisa ngbawat salita. Pwede ring capital lahat ng umpisa o salitan. Depende sa gusto ng makata.
- Kung paano simulan kalimitan ang pinakamahirap na parte sapaggawa ng anumang sulatin, lalo na sa tula. Pero pag naumpisahanmo na, hindi na mahirap na dugtungan. Kailangang sa umpisa palang ay madakip mo na ang interes ng iyong mambabasa. Isipin mo sila. Huwag ang iyong sarili. Kasi, pwedeng maganda na sa iyo pero para sa iba ay kabaliktaran. Dapat ding makita sa umpisa ang gandang isang tula.
- Mahalaga ang simbolo sa isang tula. Kung wala nito ay natutuladsa bikas na aklat kung basahin mo at di ka na kailangang mag-isippa. Nakikita ang ganda ng tula sa mga simbolo. At mahalaga angsimbolo sa alinmang sulatin. At lalong nagagamit ang simbolo satula. Halimbawa ang bulaklak. Hindi sa bulaklak ng isang halamankundi sa isang dalaga napapatungkol. Maraming simbolo, at lahat na yata na nasa ilalim ng araw aysimbolo, pwedeng gamiting simbolo. Pero huwag gagamit ng simbolong hindi mo matindihan o hindi mo alam ang ibig sabihin.
- Nasa katawan ng tula ang ibig mong ipakita, ipahiwatig, ipadama, ipaamoy, ipalasa. Dito nakikita ang problema at kung paanoito mareresolba.
- Kung umpisa, may wakas. Kung gaano kahirap simulan ang isang tula, parang ganoon ding kahirap wakasan. Hindi basta na langwakasan ang tula. Kailangang masagot lahat ang mga problema.Pwede namang wakasang nakabitin at bayaan mo nang isipin ngnakabasa ang nilalaman. Pwede ring kunin ang wakas sa unang stanza sa umpisa ng tula o kung saang linya na may kinalaman satema na tumutukoy sa pagkakalutas ng problema.
Ang Anyo ng Tula
Mga Anyo ng Tula
Uri ng Taludtod
1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim
na kahulugan .
2. Berso Blangko - tulang may sukat bagamat walang tugma.
3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay
siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
kabataan.
Uri ng Tulang Tagalog
1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.
Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:
a. Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
b. Soneto – Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
c. Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang
masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
d. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y
tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni
Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.
e. Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.
a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang
epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”
b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig
mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay
hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”
c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla
ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng
malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Florante at Laura.”
3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.
4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.
a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa
isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa
isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain
at mga kasabihan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)