Lunes, Pebrero 6, 2017

Ang Tula






Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tula ay isang kaisipan na naglalarawan ng kagandahan at kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatan na matawag na tula”.















Ayon naman kay Inigo Ed Regalado, “ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”









Sinabi naman ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay na “ang tula ay  paggagad- ito‟y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal - ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinmang ibang gagad na mga sining,  pagsama-samahin man ang mga iyon.”





Para kay Alejandro G. Abadilla ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell, “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig (heightened consciousness).”












Ayon kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling maipaliwanag bunga ng kawalan ngkaalaman sa pagsulat at pagbasa at kailangan munang matutunan ng mga tao upang magingmalinaw at maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan. Ang mga akdang patula naman aymadaling maisaulo na maaring maipaulit sa iba hanggang sa mga susunod pang salinlahi.Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mgataludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas aymasasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid,dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ngokasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain atmaging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula.Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan.

5 komento:

  1. Anong taong sinabi ang kahulugang iyan at anong pahinang aklat nakasulat iyan.?

    TumugonBurahin
  2. saan libro makikita ang mga pahayag nila?

    TumugonBurahin
  3. sana po nilagyan ng taon kasi gagamitin sa tesis

    TumugonBurahin
  4. Titanium Bells - Stainless Steel - Titanium Art
    Stainless steel is used for titanium prices decoration in glass, especially for jewelry and decorations. Stainless Steel smith titanium has a unique “titanium” meaning t fal titanium that it is snow peak titanium spork a very Type: Stainless Steel Rating: 4.7 · ‎1 review babylisspro nano titanium

    TumugonBurahin